Connect with us

Aklan News

GUBATINA VS GUBATINA ADMIN CASE, INIREKOMENDANG I-ARCHIVE NG SP INVESTIGATING COMMITTEE

Published

on

GUBATINA VS GUBATINA ADMIN CASE, INIREKOMENDANG I-ARCHIVE NG SP INVESTIGATING COMMITTEE

Inirekomenda ng Aklan Sangguniang Panlalawigan Special Investigating Committee na i-archive muna ang administrative case na inihabla ni Madalag Vice Mayor Rex Gubatina laban sa kanilang alkalde na si Mayor Alfonso Gubatina.

Ipinaliwanag sa Radyo Todo ni Board Member Nemesio Neron na minabuti na lamang i-archive ng komitiba ang nasabing kaso dahil pumasok na ito election period kung saan batay sa Local Government Code of 1991 partikular sa Sec 62 Parangap 6 hindi na maaaring magsagawa ng imbestigasyon, suspension o acquittal o dismissal man sa lahat ng mga elected officials.

“…nakasaad sa Local Government Code of 1991 section 62 paragraph C hay nagasaad man nga 90-diyas bago rong local nga election hay indi dapat maghiwat it mga imbestigasyon, suspension man o acquittal or dismissal man sa mga elected officials. Ngani ron, dahil sumueod eon abi imaw sa election period, ginpakamayad it aton nga komitiba nga i-archive anay imaw, in compliance sa nasabit ngaron nga section 62 paragraph C it Local Government Code of 1991”, pahayag ni Neron.

Ayon pa kay Neron kapag natapos na ang halalan na may option ang complainant na muling buhayin at ipagpatuloy ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa kaso.

Nauna na rito, nagpasya ang Committee on Laws ng SP-Aklan na pag-aaralan muna ang nasabing kaso kasunod ng rekomendasyon ni Board Member Atty. Immanuel Sodusta, na miyembro ng Committee on Laws na i-dismiss ang nasabing administrative complaint dahil sa kawalan umano ng Memorandum of Agreement o MOA.

Magugunitang nag-ugat ang nasabing kaso laban sa alkalde dahil sa paglabag nito sa ilang probisyon ng Local Government Code of 1991 matapos magpatayo ng evacuation center sa isang private property sa Barangay Talimagao, Madalag na walang awtoridad na ibinigay ang Sangguniang Bayan ng Madalag.

Dahil dito ay sinampahan ng kasong administratibo, partikular ng Dishonesty and Misconduct in Office ni Vice Mayor Rex Gubatina ang kanyang pinsan at alkalde ng bayan ng Madalag na si Mayor Alfonso Gubatina.