Connect with us

Capiz News

49-ANYOS NA LALAKI ARESTADO SA KASONG PAGLABAG SA ANTI-VAWC LAW SA IVISAN, CAPIZ

Published

on

Arestado ang isang 49-anyos na lalaki sa Brgy. Ilaya-Ivisan, Ivisan, Capiz sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Volience Against Women and their Children.

Kinilala ang naaresto na si Salazar Uñada Mahipos alyas Tapol, isang laborer, residente ng Brgy. Ilaya-Ivisan, Capiz.

Ang akusado ay inaresto ng mga tauhan ng Ivisan PNP, CIDG/ICFU at Capiz Provincial Intelligence Unit sa pamumuno ni PCapt. Gregg Anthony Salbang, hapon ng Biyernes sa bisa ng warrant of arrest.

Ang warrant ay sa kasong paglabag sa section 5(A) ng RA 9262 ay inisyu at pinirmahan ni Faustino Valenzuela Roxas Jr, Acting Presiding Judge, RTC Branch 14, Roxas City, Capiz, nitong Enero 13.

Php6,000 ang itinakdang pyansa ng korte para sa pansamantalang paglaya ng akusado.

Continue Reading