Aklan News
BAHAY, NASUNOG; PAGSUGPO SA APOY, PAHIRAPAN
Pahirapan para sa mga taga Bureau of Fire Makato ang pag-apula sa apoy sa nasusunog na bahay bandang alas 2:00 kahapon sa Sitio Dalipi, Cayangwan, Makato.
Ayon sa imbestigador na si FO2 Raymond Luce ng BFP Makato, gawa sa mixed materials ang nasunog na bahay ni Lilia Tumaca.
Dagdag pa ni Luce, naging pahirapan umano ang pag-apula nila sa apoy dahil hindi kayang itawid sa ilog ang fire truck, lalo pa’t gawa lamang sa kawayan ang dadaanan nilang tulay.
Maliban dito, hindi na umano sila nakalatag ng kanilang fire hose, kung kaya’t minarapat nilang magsagawa ng ‘bucket brigade’ kung saan nagbalde-balde na lamang ng tubig upang mapatay ang apoy. Kasama sa nagsagawa ng bucket brigade ang ilang residente doon at iba pang rescuers.
Bandang alas 2:20 ng hapon nang tuyang masugpo ang apoy na nag-iwan umano ng tinatayang P73,000.00 na halaga ng pinsala.
Mapalad naman na walang iba pang nadamay o nasugatan sa nasabing insidente. Patuloy pa ring inaalam ang sanhi ng sunog.