Connect with us

Aklan News

MAO KALIBO,NAIS IBALIK SA GENERAL FUND PROPER AT GAWING ISANG DEPARTAMENTO

Published

on

Nais ibalik sa general fund proper at gawing isang departamento ang Municipal Agriculturist Office o MAO sa bayan ng Kalibo mula sa pagiging isang dibisyon lamang sa ilalim ng Municipal Economic Enterprise Development Department.

Ang proposisyong ito ay isinusulong ni Sangguniang Bayan Member Ketchie Fulgencio Luces, Chairman ng Committee on Agriculture ng Kalibo Sangguniang Bayan.

Sa panayam ng Radyo Todo kay SB Luces, ipinahayag nito na mas mainam na gawing isang departamento ang MAO-Kalibo upang mapaglaanan ito ng kaukulang pondo sa taunang budget ng lokal na pamahalaan.

Sa ngayon aniya ay mayroon lamang kakarampot na pondo ang nasabing tanggapan kung saan malaking bahagi nito ay mapupunta kaagad sa personnel services o sweldo ng kanilang mga empleyado at sa maintenance and other operating expenses at maliit na pondo na lamang ang natitira para sa PPA’s o Project, Programs and Activities para sa mga magsasaka.

Kung matatandaan, ang tanggapan ng Municipal Agriculturist ay nasa ilalim ng Department of Agriculture kung saan ang pondo nito ay nanggaling pa sa national government.

Subalit dahil sa devolution of power na isinasaad sa Local Goverment Code of 1991 o Republic Act 7160, ito ay isinailalim sa Local Goverment Unit kung saan inilagay naman ng ibang LGU sa Economic Enterprise Development Departament.

Samantala, naniniwala naman si SB Luces na kapag inihiwalay ang MAO sa MEEDO at may sarili ng annual appropriation sa taunang budget ay mabibigyang atensyon na nito ang sektor ng agrikultura sa bayan ng Kalibo.