Connect with us

International News

Ilang Domestic Helpers sa Hong Kong na nag positibo sa COVID-19 inabandona ng employer

Published

on

Hong Kong OFW

Ang Hong Kong ay may tinatayang may 340,000 bilang ng mga domestic helpers, karamihan ay mula sa mga bansang Pilipinas o Indonesia. Sa sweldong HK$4,630 o mahigit Php 30,000, maraming pamilya sa Hong Kong ang umaasa sa tulong ng mga domestic helpers para sa kanilang housekeeping at pag aalaga sa kanilang mga matatanda at mga anak.

Sa ilalim ng batas sa Hong Kong, ang mga migranteng kasambahay ay dapat manirahan kasama ng kanilang employer. Kadalasan, sila ay nasa isang maliit ng silid o kasama sa kwarto ng mga batang kanilang inaalagaan.

Sa mabilis na pag kalat ng COVID-19 sa na naturang bansa, naapektuhan ang kabuhayan ng mga kababayan natin doon na domestic helpers.

Sa kasamaang palad ang iba sa kanila ay tinanggal sa trabaho at ang iba naman ay iniwan ng kanilang amo na walang tirahan matapos silang mag positibo sa sakit.

Sa mga ulat at sumbong mula sa mga helper support groups at local media nang mga manggagawang inaalis sa trabaho, ay nag bunsod ng apela mula sa Philippine authorities sa Chinese-ruled city na protektahan at suportahan ang ating mga domestic helpers.

Sinabi sa Reuters ng Hong Kong Federation of Asian Domestic Workers Unions na naka tanggap sila ng higit sa 20 kaso ng mga domestic helpers na nag positibo sa Covid at inalis sa trabaho.

Binalaan ng Labor Department ng Hong Kong ang mga employer na hindi tama na alisin o itaboy ang mga may sakit. Na ang sinumang mapatunayang lumabag sa batas ay may karampatang multa na HK$100,000.

Dalawang domestic helper na sinasabing inabandona ng kanilang mga employers at iniwan sa lansangan matapos mag positibo sa COVID, ayon sa Reuters.

“I was depressed, hopeless, and felt anxiety because I am in a foreign country” sabi ng isang DH doon na ikinubli ang pagkakakilanlan dahil sa sensitibong usapin. Ayon sa kanya, binigyan siya ng gamot ng kaniyang employer ngunit sinabihang umalis ng kanilang bahay at humanap ng ibang matitirahan para hindi mahawa ang iba pang miyembro ng pamilya.

“All I was thinking about was where to get food and where to find a place to stay because it was very cold outside” sabi ng isang babae na nag hahanap buhay bilang isang domestic helper simula pa 2005.

Isa pang kasambahay, na nag ta-trabaho sa Hong Kong nang apat na taon, aniya nakaramdam siya ng diskriminasyon, at nais nang bumalik sa Pilipinas kaysa manatili sa Hong Kong.

Ang parehong kasambahay ay naka hanap ng tulong mula sa HELP for Domestic Workers, isang non-governmental organization na nag bibigay ng tirahan at basic supplies sa mga nangangailangan.

“At the moment, the supply is not keeping up with the demand. And given that there are so many mandatory testing notices, so many people that are testing positive, we are unable to find isolation facilities for everybody” ayon kay Manisha Wijesinghe, executive director ng HELP for Domestic Workers.

Sa pakikipag laban ng pamahalaan ng Hong Kong sa COVID, kinansela muna nito ang mga byahe ng eroplano sa 9 na mga bansa kabilang ang Pilipinas na naging dahilan ng kakulangan ng Hong Kong sa mga domestic helpers.

Apektado ngayon ang mga pampublikong ospital ng Hong Kong bunga ng pag dami ng mga nagkakasakit ng COVID-19, karamihan sa mga ito ay mga matatanda na piniling huwag magpabakuna.

Nang magsimula ang pandemic sa nasabing bansa, nakapag tala na ito ng mahigit sa 171,000 corona virus infections at mahigit 650 na ang namatay.

“I was sitting in a taxi area while waiting for information on where I could go; I told myself I have to stay strong, I am alone, and I don’t have help. But at that time. I was already in tears” – ayon sa isang kababayan nating domestic helper habang inilalahad ang kanyang karanasan.

(Rappler)