Connect with us

Aklan News

LED WALL SA MAGSAYSAY PARK, BAYAD NA- MAYOR LACHICA

Published

on

LED WALL SA MAGSAYSAY PARK, HINDI PA NABABAYARAN NG LGU- KALIBO?

NILINAW ni Mayor Emerson Lachica na bayad na ang LED wall na makikita sa Magsaysay Park sa bayan ng Kalibo.

Taliwas ito sa mga lumalabas na balita na ang nasabing LED wall ay walang purchase order.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Mayor Lachica, sinabi nito na nabayaran na ng LGU Kalibo ang supplier ng nasabing LED wall.

“Yes, actually habayran eot-a ro supplier it LED wall ngaron ag kaibahan karon ro aton nga system. Para ro aton nga mga nagakasari-sari nga departamento una sa munisipyo hay maka-angot dikaron sa system,” ani Lachica.

Pahayag ni Lachica na makikita sa nasabing LED wall ang mga ipinagmamalaking destinasyon sa bayan ng Kalibo gayundin ang mga programa at aktibidades ng lokal na pamahalaan.

Sa katunayan ayon sa alkalde, malaking bagay ito para sa economic enterprise ng LGU-Kalibo kung saan nakapag-generate na ito nga mahigit dalawang milyong piso sa nakalipas na taon.

Saad pa nito na malapit na nilang mabawi ang pinambili dito.

Ang nasabing LED wall kasi ay nagsisilbing medium para sa mga advertisers kung saan nagbibigay ng kita sa lokal na pamahalaan.

Dagdag pa ni Lachica na kahit hindi pa lubusang nagiging siyudad ang Kalibo ay maaari na itong maikumpra sa ibang mga syudad sa bansa.

Ito ay dahil kung ano ang maaaring makita sa mga syudad ay makikita na rin sa bayan ng Kalibo.