Connect with us

Aklan News

KALIBO PUBLIC MARKET LALAGYAN NG MGA CCTV CAMERA; MGA GUWARDIYA, PINALITAN!

Published

on

MAGLALAGAY ng mga bagong CCTV camera sa loob at labas ng Kalibo Public Market.

Ito ang naging pahayag ni Kalibo Mayor Emerson Sucgang Lachica kasunod ng mga insidente ng nakawan na ang mga biktima ay mismong mga negosyante na umuokupa sa mga papag at stalls sa loob ng merkado publiko.

Ayon sa alkalde, ito ang napag-usapan sa kanilang ginawang pagpupulong kasama si Mrs. Mary Gay Quimpo-Joel, head ng Municipal Economic Enterprise Development Department, Market Administrator Abel Policarpio at mga opisyal ng Transport and Traffic Management Unit.

Pinalitan din ang security agency na kinontrata ng lokal na pamahalaan para sana magbigay ng siguridad sa nasabing pasilidad ng gobyerno.

Layunin anya ng nasabing mga pagbabago na mabigyang tugon ang problemang dinaraing ng mga negosyante lalo na ang mga naging biktima ng pagnanakaw na hindi pa nakakabangon sa naging epekto ng pandemya.

Umaasa naman ang alkalde na magiging positibo ang resulta ng hakbang na ito na lokal na pamahalaan ng Kalibo.