Connect with us

Aklan News

CCTV CAMERAS PARA SA MGA BARANGAY SA KALIBO, NATANGGAP NA

Published

on

NATANGGAP na ng mga barangay captain ang mga Closed-circuit television (CCTV) cameras na ipinagkaloob ng lokal na pamahalaan para sa lahat ng barangay sa bayan ng Kalibo.

Ang implementasyon ng mga CCTV cameras sa mga kabarangayan ay nabigyan-daan sa pamamagitan ng Resolution No. 2020-393 na ipinasa ni SB member Augusto Tolentino at inaprubahan ng Sangguniang Bayan noong July 2020.

Ayon kay SB member Tolentino, noong nakaraang taon pa sana ang implementasyon nito ngunit naantala lamang dahil sa pananalasa ng COVID-19 pandemic.

Aniya malaking bagay ang pagkakaroon ng CCTV sa mga barangay upang masawata ang mga insidente ng nakawan at iba pang krimen na nangyayari sa Kalibo.

Dagdag pa ni Tolentino na ang budget para sa installation ng nasabing mga CCTV ay nagmula sa lokal na pamahalaan ng Kalibo.

Saad pa ng opisyal na walang pinipili na barangay bagkus ang bawat barangay sa Kalibo ay binigyan ng apat na CCTV cameras na ilalagay sa kani-kanilang strategic areas.

Binigyan-diin ni Tolentino na malaking tulong para sa mga kabarangayan ang pagkakaroon ng CCTV sa kanilang lugar ngayong pandahon ng pandemya lalo pa’t isinailalim na sa alert level 1 status ang probinsiya kung saan lifted na curfew hours.