Connect with us

International News

TATLONG PALAPAG NA GUSALI SA SIERRA LEONE GUMUHO; 70 CONSTRUCTION WORKERS NA-TRAPPED

Published

on

Naipit ang halos 70 construction workers sa gumuhong tatlong palapag na gusali sa Sierra Leone, sa lungsod ng Bo sa West Africa.

Ayon kay Southern Province Assistant Police Inspector General Kapri Saidu, sampung katao ang nailigtas mula sa gusali na kung saan sumasailalim pa sa konstruksyon nang bumagsak ito noong Miyerkules.

Dagdag pa niya, nagsimulang gumuho ang gusali nang binuhos ang konkreto sa tatlong palapag. Aniya hindi umano matibay ang mga haligi nito.

Base naman kay Southern Regional Surveyor, Joseph Kpanabom, mga sub-standard na materyales daw ang ginamit sa konstruksyon kaya’t nangyari ang pag-guho.

Samantala, batay kay medical officer, Dr. Roland Marsh, nasa kritikal na kondisyon ang ilang survivors at kailangan itong ilipat sa mas mainam na ospital.

Patuloy naman ang isinasagawang rescue operations ng mga otoridad dahil sa nasabing insidente.