Connect with us

Business

Presyo ng diesel tataas ng P5.50 kada litro, habang ang gasolina tataas ng P3.70 simula bukas

Published

on

Presyo ng langis

Dahil sa patuloy na pag-taas sa presyo ng global crude oil sa gitna ng Russia-Ukraine war, inaasahang muling aakyat ang halaga ng mga produktong petrolyo ngayong linggo.

Batay sa ulat ng GMA News, sinabi ng isang oil industry na maaaring tataas ang presyo ng diseal ng P5.30 hanggang P5.50 kada litro, habang ang gasolina naman ay maaaring tumaas ng P3.50 hanggang P3.70 kada litro.

Ang ginagamit ng mga local oil industry ay ang Mean of Platts Singapore (MOPS), ito ang daily average ng lahat ng trading transactions sa pagitan ng mga buyers at sellers ng mga produktong petrolyo ayon sa assessment at summary ng Standard and Poor’s Platts.

Samantala, batay sa forecast ng Unioil Petroleum Philippines para sa Marso 8 hanggang 14, tataas ng P4.00 kada litro ang presyo ng diesel at P3.00 kada litro para sa gasolina.

Ito na ang ika-sampung sunod-sunod na linggo na tumataas ang presyo ng petrolyo.

Kadalasang pinapahayag ng mga fuel firms ang mga price adjustements tuwing Lunes at ipapatupad ito pagdating ng Martes.

 

Singil sa Kuryente, Maaaring Tataas

Samantala, nagbabala ang Manila Electric Company (Meralco) na maaaring tumaas ang singil sa kuryente dahil sa patuloy na pag-taas ng mga oil prices.

Ayon sa ulat ng “24 Oras Weekend” pinaliwanag ng Meralco na ginagamit ang krudo sa pag-gawa ng kuryente.

Kahit available na ang krudo sa bansa, ang presyo nito ay nakabatay sa dollar exchange rate, kung saan kasalukuyang ito’y nagbabago ayon sa kondisyon ng world market.

Gayunpaman, wala pang final na pahayag ang Meralco kung itataas nila ang singil sa kuryente.

Fuel Subsidy

Maaaring ipamahagi na ang mga fuel subsidy sa mga magsasaka at mangingisda pagdating ng katapusan ng Marso o sa unang linggo ng Abril.

Ayon kay Agricuture Assistant Secretary Noel Reyes, 162,000 corn farmers at fishers ang makaka-benipisyo sa ₱500-milyong subsidy. Bawat isa sa kanila ay makakatanggap ng ₱ 3,000 at ito’y ipapamahagi sa pamamagitan ng debit card.

Noong Pebrero, sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na handa na ang mga guidelines para sa pamamahagi ng fuel subsidy ngunit hindi pa ma-disburse ang pondo.

“Itong pamimigay ng fuel subsidy ay may trigger mechanism bago ibigay, dapat ma-reach ‘yung gasoline price na $80 per barrel. Wala pa tayo diyan,” sinabi ni Dar batay sa ulat ng CNN Philippines.

 

(GMA, CNN Philippines)

Continue Reading