Aklan News
SEAMAN, ARESTADO SA PAGBEBENTA NG BARIL
Timbog ang isang seaman na iligal na nagbebenta ng baril sa Brgy. Andagao, Kalibo.
Kinilala ang suspek na si Lito Maatubang, 52-anyos ng Brgy. Pusiw, Numancia.
Nakuha kay Maatubang ang isang unit ng caliber 9mm Armscor, dalawang magazine at anim na mga bala kapalit ng P25,000 na marked money sa isang entrapment operation nitong Biyernes, Marso 11, sa Jaime Cardinal Sin Ave., Kalibo.
Maliban dito, nakuha rin sa posisyon ni Maatubang ang isang unit ng cellphone na ginagamit nito sa kanyang mga transaksyon.
Ang naturang operasyon ay pinagtulungang isagawa ng mga pinagsanib na kasapi ng Provincial Intelligence Unit, Kalibo Municipal Police Station at 1st Aklan PMFC.
Si Maatubang ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.