Connect with us

Business

Simula bukas Marso 15, aabot sa ₱11-₱12 ang itataas sa presyo ng Diesel

Published

on

Presyo ng langis

Inaasahang muling magkakaroon ng malaking pagtaas ang presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggo, ayon sa mga industry sources.

Simula bukas, Marso 15, tataas ng P11.80 hanggang P12.00 ang presyo ng diesel kada litro, habang maaaring tumaas ng P6.90 hanggang P7.20 ang halaga ng gasolina, at tataas naman hanggang P9.80 ang presyo ng kerosene kada litro.

Ito na ang ika labing isang sunod-sunod na linggo na patuloy na pag taas ng presyo ng langis, na ang isa sa dahilan ay ang giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Samantala, nakatakdang mamahagi ng fuel subsidy na naghahalagang P6,500 ang gobyerno sa mga public transportation drivers. Ngunit, ayon sa mga transport groups, ang fuel subsidy ay isa lamang temporary na solusyon.

Sa halip, sila ay nag-propose na tanggalin ang umiiral na excise tax na ipinapataw sa mga produktong petrolyo, subalit, ito’y tinanggihan ng mga economic at finance managers ng Malacañang.

Upang matulungan ang mga consumers, nag-apela si Energy Secretary Alfonso Cusi sa mga oil companies “to stagger the pass-on of increases,” kung saan ang ilan sa mga kumpanya ng langis ay sumunod noong nakaraang linggo.

Ngunit, para sa ngayong linggo ng pag-taas ng presyo ng produktong petrolyo, hindi pa sigurado kung susunod muli ang mga kumpanya sa panawagan ng secretary.

(ABS-CBN)