National News
MAASAHAN, SAPAT NA POWER SUPPLY AT MABABANG BAYARAN SA KURYENTE ISA SA MISYON NI LEADING PRESIDENTIABLE BONGBONG MARCOS
Mababang bayaran sa kuryente, maaasahan at bastanteng supply ang isa sa mga misyon ni leading presidentiable Bongbong Marcos.
Ayon kay Marcos, isa ito sa kanyang mga alalahanin dahil malaki umano sa bahagi ng sweldo ng mga pinoy ang napupunta sa bayaran sa kuryente dahilan na kulang na ang budget para sa pang araw-araw na pangangailangan.
Dahil dito, may inihanda umano siyang solusyon na ayon sa kanya’y magtatapos sa pagtitiis ng publiko sa bayaran sa mahal na kuryente.
Ayon sa dating senador kung mabibigyan siya ng pagkakataon na uupong pangulo ng bansa, tututok ang kanyang administrasyon sa production transmission at tamang distribusyon ng elektrisidad sa buong bansa.
Dagdag pa niya, makakatulong sa mahal na bayaran sa kuryente kung isusulong ang utilization ng large scale battery storage dahil malaking bagay umano ito sa pagpreserba ng enerhiya at elektrisidad.