National News
BONGBONG MARCOS, PATULOY ANG PAGDOMINA SA SURVEY SA PAGKAPRESIDENTE, PAGPAPALAKAS NG ENERGY RESOURCES, PRAYORIDAD SA KANYANG ADMINISTRASYON
Magiging prayoridad ni presidentiable Bongbong Marcos ang energy resources ng bansa kapag mabigyan siya ng pagkakataong maging pangulo.
Isa sa mga solusyon umano na tinitingnan ni Marcos para masiguro ang supply ng kuryente ay ang pagtatayo ng geothermal plants at installation ng maraming solar at wind power farms katulad ng sa Ilocos.
Ito umano ang klarong plano at direksyon ng dating senador matapos magpahayag ng kanyang alalahanin sa isyu ng kuryente.
Ipinahayag ni Marcos na maraming lugar sa bansa ang pwedeng lagyan ng wind power at kailangan lamang na pag-aralang mabuti at kanya itong ipapatupad kung siya na ang magiging presidente.
Ayon pa kay BBM, makakatulong din sa mahal na bayaran sa kuryente kung isusulong ang utilization ng large scale battery storage dahil malaking bagay umano ito sa pagpreserba ng enerhiya at elektrisidad.
Napag-alaman na naging matagumpay ang mga malalaking bansa sa Europa at America sa paggamit ng nasabing teknolohiya dahilan kung bakit estable at mababa ang singil sa kuryente doon.
Kaugnay nito, idinagdag ni Marcos na pag-aralan din niyang irevive ang Bataan Nuclear Power Plant na naunang itinayo ng kanyang ama na si dating President Ferdinand Marcos bilang solusyon sa krisis sa enerhiya ng bansa.
Continue Reading