Connect with us

Business

Maaaring magkaroon na ng rollback sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo

Published

on

Oil Price

Sa patuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo maaring sa susunod na linggo ay magkakaroon na ng rollback ayon sa head ng Independent Philippine Petroleum Companies Association (IPPCA).

Sinabi ni IPPCA chairman emeritus Dr. Fernando Martinez sa panayam ng Dobol B TV, na maaaring bumaba ng P2 hanggang P3 ang presyo ng petrolyo.

“More or less mga P3 [per liter] sa ngayon ha, pero hindi mo masasabi kasi hanggang Friday pa ‘yan eh. Basta maganda pababa, mga P2 to P3 as of today,” sinabi ni Martinez, batay sa ulat ng GMA News.

Samantala, kung baba din ang halaga naman ng mga liquefied petroleum gas (LPG) ay malalaman sa katupasan ng buwan.

Noong Martes, pinatupad ng mga oil firms ang major price hike, kung saan pumapalo hanggang P84.55 ang presyo kada litro sa ilang mga lugar sa ating bansa.

Batay sa Department of Energy (DOE) naapektuhan ng giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine ang global prices.

Fuel Subsidy

Ngayong Miyerkules, sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na nasa 35,000 sa 136,000 initial cardholders ang nakatanggap ng kanilang P6,500 fuel subsidy.

Sa panayam ng Unang Balita ng GMA News, sinabi ni LTFRB executive director Maria Kristina Cassion na inaasahan na matatapos ng Land Bank of the Philippines ang pagpapamahagi hanggang sa Biyernes.

“Balita po natin, nasa 35,000 po kahapon yung na-credit. So inaasahan natin na dodoble na ‘yung every day na nacre-credit ng Land Bank,” aniya.

Pinayuhan niya rin ang mga benipisyaryo na hindi pa nakakatanggap ng subsidy na i-check ang kanilang accounts hanggang Biyernes.

Downstream Oil Industry Deregulation Act

Samantala, inaprubahan ng House committee on energy ang panukalang batas na nag-aamyenda sa Downstream Oil Industry Deregulation Act upang mabawasan ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo at gasolina.

Ang inaprubahan ng committee na panukala, na tinawatag ring Oil Deregulation Law, ay “subject to form and style.”

Sa ilalim ng panukala, ang mga iminungkahing pag-amyenda sa RA 8479 ay ang pag-institutionalize ng minimum inventory requirements para sa mga produktong petrolyo “to supply security and unbundling the cost of petroleum, among others.”

(GMA News, Inquirer)