Connect with us

Aklan News

MALAY, RANK 17TH SA 508 ENTRIES SA 2021 RANKINGS OF 1ST TO 2ND CLASS MUNICIPALITIES COMPETITIVE INDEX NA INILABAS NG DTI, KALIBO NASA RANK 21ST

Published

on

Nakuha ng bayan ng Malay ang rank 17th sa kabuuang 508 na entries sa 1st to 2nd Class Municipalities para sa 2021 Rankings of Cities and Municipalities na inilabas ng Department of Trade and Industry o DTI matapos makakuha ito ng kabuuang 38.3597 na puntos.

Nakuha rin ng Malay ang Rank 4 sa Economic Dynamism, Rank 139 sa Economic Efficiency, pang-apat sa Infrastructure at Rank 314 sa Resiliency.

Ang bayan naman ng Kalibo ay nasa rank 21st matapos makakuha ng kabuuang 37.7162 na puntos.

Nakuha rin ng Kalibo ang Rank 20 sa Economic Dynamism, pang-pito sa Government Efficiency, rank 21 sa Infrastructure at 404 sa Resiliency.

Samantala sa 3rd to 4th class municipalities ay nangulelat ang bayan ng Balete na nasa Rank 522nd, Ibajay rank 490th, Batan rank 473rd, Altavas rank 434th, Makato rank 339th, Banga rank 269th, Malinao rank 242nd, Numancia rank 199th, Nabas rank 98th at New Washington rank 59th.

Sa 5th to 6th Class Municipalities naman ay nasa rank 38th ang bayan ng Tangalan, 88th ang Buruanga at nasa 118th ang bayan ng Lezo.

Ang 2021 Ranking of Municipalities ng DTI ay ibinase naman sa kabuuang puntos na nakuha sa apat na kategorya.

Ang Economic Dynamism, Goverment Efficiency, Infrastructures at Resiliency habang ang Provincial Ranking ay Base sa Income at Population.