Connect with us

National News

EX-MILITARY OFFICIALS, POLICE CHIEFS SUPORTADO SI PRESIDENTIAL ASPIRANT BONGBONG MARCOS

Published

on

Nagpahayag ng suporta kay Presidentiable Bongbong Marcos ang mga dating opisyal ng Militar at Police kasunod sa lumabas na balita na may pakikilahok sa pagitan ng mga rebelde at sa kampo ni vice president Leni Roberdo.

Naglabas ng ‘manifesto of support’ kay Marcos ang pitong retired chiefs ng Philippine National Police (PNP),  Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coastguard, siyam na medal of valor awardees, pitong former service commanders at hindi bababa sa isang daang retiradong heneral at senior officers.

Batay sa manifesto of support na pirmado  ng mga retired military police officials, naniniwala silang si Marcos ang makakapatupad ng” true reforms” sa bawat institution lalo na sa pulis at militar.

Kasabay nito, nanawagan sa publiko ang mga dating opisyal ng AFP at pulis na maging mapagmatyag at mapanuri sa pagboto. Nanawagan rin ang mga opisyal ng matiwasay na eleksyon.

Ang nasabing pahayag ng mga retirado na opisyal ng AFP at PNP ay kasunod sa statement ni Senator Ping Lacson na may nangyayaring alyansa sa pagitan ng mga rebelding CPP-NPA-NDF at sa kampo ni Vice President Leni Robredo.

Kasama sa mga naglagda sa ‘manifesto of support’ kay Marcos ay sina former AFP chiefs Roy Cimatu, Benjamin Defensor Jr., Dionesio Santiago at Felimon Santos.

 

Naglagda rin para sa suporta kay Marcos sina dating PNP chief General Avelino Razon Jr., dating Philippine Coastguard PCG chiefs Admiral Damian Carlos  at Admiral Danilo Abinoja.

Continue Reading