Connect with us

Aklan News

AKLAN PPO HANDA NA SA PAGSISIMULA NG CAMPAIGN PERIOD PARA SA LOCAL CANDIDATES

Published

on

AKLAN PPO HANDA NA SA PAGSISIMULA NG CAMPAIGN PERIOD PARA SA LOCAL CANDIDATES
Photo Courtesy: Aklan Police Provincial Office FB Page

Tiniyak ng Aklan Police Provincial Office (APPO) na handa na ang buong pwersa nito para sa pagpapanatili ng seguridad sa pagsisimula ng campaign period para mga lokal na kandidato sa lalawigan.

Sa panayam ng Radyo Todo kay PSSgt. Jane Vega, Public Information Officer Aklan-PPO, inihayag nito na nakalatag na ang lahat ng kanilang mga security preparations para sa pagsisimula ng kampanya ng mga local candidates sa lalawigan ng Aklan sa Marso 25.

Aniya, patuloy ang kanilang isinasagawang coordinating conference kasama ang Commission on Elections (COMELEC) Aklan upang masigurong maayos at payapa ang pag-uumpisa ng campaign period.

Maliban dito, kasado at preparado na rin ang lahat ng mga Municipal Police Stations kung saan tandem nito ang kani-kanilang mga Municipal Comelec Offices sa buong lalawigan para sa darating na National and Local Elections 2022.

Samantala, hindi rin aniya sila nagpapakampante dahil walang naitalang areas of concern ang Comelec.

Kaugnay nito, nagpapatuloy pa rin ang kanilang isinasagawang comelec-pnp checkpoint upang masiguro ang seguridad sa buong lalawigan ng Aklan habang papalapit ang halalan sa Mayo a-9.