Aklan News
KWALIPIKADONG TSUPER, OPERATOR SA TANGALAN, MAKAKATANGGAP NG P2,000 FUEL SUBSIDY MULA SA LGU
PAGKAKALOOBAN ng Local Government Unit (LGU) Tangalan ng P2,000 fuel subsidy ang mga kwalipikadong tsuper at operator sa kanilang bayan na apektado ng walang-patid na taas-presyo ng produktong petrolyo sa merkado.
Ito ay batay sa ipinasang resolusyon ng Sangguniang Bayan ng Tangalan na naglalayong mabigyan ng fuel subsidy program ang 284 miyembro ng Tangalan Tricycle Operators and Drivers Asso. (TATODA).
Nais ng lokal na pamahalaan na maibsan ang mga pasanin ng kanilang mga drivers at operators na araw-araw na nakikibaka sa kalsada.
Ang inisyatibong ito ng lokal na pamahalaan ay magsisilbing pantawid pasada sa TATODA habang hinihintay nila ang ipinangakong fuel subsidy ng national government.
Ang implementasyon ng nasabing programa ng LGU Tangalan ay sa ilalim ng kanilang Supplemental Annual Investment Program (SAIP) for Calendar Year 2022.