National News
Mas maraming trabaho ang nag-hihintay sa mga Pinoy sa Canada
Nakatakdang lagdaan ng gobyerno ng Canada at Pilipinas ang dalawang magkahiwalay na bilateral na kasunduan para sa deployment ng mga manggagawang Pilipino sa dalawang provinces ng Canada sa ilalim ng government to government arrangement.
Ibinahagi ni Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello 3rd na ang Joint Communique ay nilagdaan na ng Yukon at Ontario, mga provinces ng Canada, kung saan kinilala nila ang matatag na relasyon ng dalawang bansa.
Nilagdaan ni Bello ang joint communique kasama sina Ontario Labor Minister Monte McNaughton at Yukon Labor Minister Ranj Pillai.
Ayon kay Bello, ipinahayag ng magkabilang panig ang kanilang intensyon na lumagda ng isang Memorandum of Understanding (MOU) on Labor Corporation.
Ipinaabot rin ni Bello ang kanyang pasasalamat sa oppurtunidad na ibinigay ng Ontario at Yukon provinces sa mga manggagawang Pilipino at umaasa rin siya na maglalagdaan agad ang MOU.
Binigyang puri niya din ang programa ng Ontario na nilalayon magbigay ng kumpletong proteksyon at mas mataas na take-home pay sa mga manggagawa, dagdag niya rin na 75% ng workforce ng Ontario ay mga immigrants.
Ang Ontario ang nanatiling province sa Canada na may pinaka-mataas na bilang ng mga Pilipino na nasa 337,760.
Sa Yukon naman, ay mayroong halos 20,000 na residents, kung saan, 3,000 ay mga Pilipino.
“Canadians prefer Filipino workers because of the impression of our quality of work and efficiency. They are also conscious about the family bond, hence, they encourage the workers to bring their family with them in Canada and they will facilitate their entry,” sabi ni Bello, ayon sa ulat ng Manila Times.
Ayon kay Bello, magbubukas ng 2,000 jobs ang Yukon bawat taon sa iba’t ibang industriya, dagadag niya rin na ang sweldo ay “competitive” kung saan umaabot ito sa P80,000 hanggang P300,000.
Karamihan sa mga available positions para sa mga Pilipino skilled workers ay heavy equipment operators, nurses, cooks, chefs, engineers, caregivers, call center agents at iba pang local job opportunities.
(Manila Times)