Connect with us

Aklan News

AKLAN, ALERT LEVEL 1 PA RIN HANGGANG ABRIL 15

Published

on

File Photo| Mary Ann Solis/Radyo Todo Aklan

Mananatili pa rin sa Alert Level 1 ang lalawigan ng Aklan hanggang sa Abril a-15 batay sa anunsyo ni Presidential Spokesperson Martin Andanar.

Sa Western Visayas, nasa Alert Level 1 rin ang mga probinsya ng Guimaras, Capiz, Antique, Negros Occidental, Bacolod City at Iloilo City.

Ito ay matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) nitong Huwebes (Marso 31) ang bagong alert level classification ng mga probinsiya, highly urbanized cities (HUCs), at independent component cities (ICCs) sa bansa epektibo mula Abril 1-15, 2022.

Sa ilalim ng Alert level 1, mas maluwag na ang paggalaw ng mga tao anuman ang kanilang edad o comorbidities.

Balik na rin sa full on-site capacity ang mga pribadong establisyemento at government agencies pero subject pa rin sa minimum public health standards.

Tuloy pa rin ang pagsusuot ng face mask, maliban na lang kung kumakain, umiinom, nag-eehersisyo o naglalaro ng outdoor sports na naobserbahan ang physical distancing.

Nauna nang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na malaking bahagi ng bansa ang mananatili sa Alert Level 1 hanggang sa katapusan ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo 2022.