Aklan News
LASING NA ANAK, TINAGA MATAPOS NIYANG BUGBUGIN ANG AMA


Kalibo – Sugat sa kanang balikat at kaliwang gilid ang tinamo ng isang lasing na anak, nang tagain ng ama, matapos umano niya itong bugbugin alas 9:30 kagabi sa Andagao, Kalibo.
Sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, nabatid na 31 anyos ang biktima, habang 62 anyos ang kanyang ama.
Ayon sa ama lasing umano ang kanyang anak nang dumating sa kanilang bahay, at walang anumang probokasyon na pinagsusuntok siya natutulog habang natutulog.
Tumakbo umano ang ama sa kusina para makaiwas sa anak, subalit hinabol pa umano siya nito, rason na kinuha niya ang isang kitchen knife at tinaga ang biktima.
Kaagad isinugod sa ospital ang biktima, habang nasa kustodiya ngayon ang suspek na ama, para sa karampatang disposisyon.
Samantala, kinumpirma naman ng Kalibo PNP na mauuwi na lamang sa areglo ang insidente.