Aklan News
BAHAY NA GAWA SA LIGHT MATERIALS, TINUPOK NG SUNOG

Altavas – Mga yero na lang ang natira sa isang kubo matapos masunog bandang alas 8:30 kaninang umaga sa Sitio Tinub-an, Tibiao, Altavas.
Nakilala sa report ng BFP Altavas ang may-ari ng nasunog na bahay na si Zaldy Melchor, na nagkataon umanong wala sa kanilang bahay, nang mangyari ang sunog.
Aminado rin umano ito na sa kanilang kusina nagmula ang apoy, na mabilis tumupok sa kanilang bahay.
Bagama’t nagpapatuloy pa ang imbestigasyon, tinatayang nasa P10,500.00 ang pinsalang iniwan ng sunog, ayon pa sa BFP Altavas.
Continue Reading