Connect with us

Aklan News

WANTED SA KASONG SERIOUS PHYSICAL INJURY, ARESTADO

Published

on

New Washington – Hindi na nakapalag sa mga otoridad ang akusado na may kasong Serious Physical Injury makaraang arestuhin mga ala 1:30 kaninang hapon sa Mabilo, New Washington.

Nakilala ang akusadong si Roy Arcojado, 29 anyos ng nasabing lugar.

Isinilbi ng mga pulis kay Arcojado ang kanyang warrant of arrest na may Criminal Case Number 3240-N, na ngayong araw lamang (April 6, 2022) ibinaba ni Hon.Rhea Imperiial, Presiding Judge, MCTC New Washington-Batan.

Pansamantalang ikinustodiya ng New Washington PNP si Arcojado para sa karampatang disposisyon, subalit pansamantala ring makakalaya kapag makapagpiyansa ng P18,000.00.

Continue Reading