Connect with us

Aklan News

MALAY TRANSPORTATION OFFICE NAKAPAGTALA NA NG 28 COMPLAINTS DAHIL SA MGA PASAWAY NA E-TRIKE DRIVERS SA BORACAY

Published

on

File PhotoL: Mary Ann Solis/RadyoTodo

UMABOT na 28 mga reklamo ang natanggap ng Malay Transportation Office dahil sa mga pasaway na e-trike drivers sa isla ng Boracay.

Ayon kay Mr. Ryan Tubi, Officer-In-Charge ng Malay Transportation Office, mula sa nasabing bilang, walo dito ang may kaugnay sa mga e-trike drivers na pumipili ng pasahero.

Nitong mga nagdaang Linggo ay nagpaabot ng reklamo ang ilang mga local residents dahil hindi sila pinapasakay o pumipili lamang ng mga pasahero ang mga driver sa isla.

Ito ay kasunod ng muling pagdami at pagbabalik sa isla ng Boracay ng mga foreign tourist na siya namang target ng mga e-trike drivers.

Saad pa ni Tubi na ang walong reklamo kaugnay sa refusal of passengers ay kaagad nilang inaksyunan gayundin na tineketan nila ang mga pasaway na e-trike drivers.

Maliban sa mga pumipili ng pasahero, binigyan din nila ng leksyon ang mga drayber na labis kung maningil sa mgapasahero kung saan pitong reklamo ang kanilang natanggap.