Aklan News
AKLAN MISSION HOSPITAL, NASUNUGAN NG GENERATOR, ILANG PASYENTE, INILIKAS
Dali-daling inilabas ang mga pasyente ng Aklan Mission Hospital matapos masunog ang kanilang generator doon bandang alas 5:00 nitong umaga.
Dahil sa alarma, kaagad rumesponde ang mga taga Bureau of Fire Protection, para puksain ang apoy, habang dumating din ang mga taga Kalibo PNP, na tumulong din sa paglikas ng mga pasyente, kasama ang mga taga MDRRMO at ilan pang rescuers.
Kaagad namang naapula ang sunog at hindi na kumalat. Napag-alamang pinaandar ng nasabing ospital ang kanilang generator dahil sa scheduled power interruption ng NGCP o National Grid Corporation of the Philippines.
Continue Reading