Connect with us

National News

P1000 POLYMER BANKNOTES, “NOT FOR SALE” AYON SA BSP

Published

on

Photo Coutesy: Anna Mae Lamentillo/Facebook
Nagpaalala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko na ang bagong P1000 polymer banknote ay hindi maaaring ipagbili o ibenta sa mas mataas na halaga.

Pahayag ng BSP ngayong Biyernes, Abril 22, ang P1000 polymer banknote ay dahan-dahang ilalabas sa sirkulasyon na magagamit sa pagbayad o anumang transaksyon.

“The 1000-Piso polymer banknote will be circulated alongside the current 1000-Piso paper banknote and both can be used for payments and transactions, ” saad ng BSP.

Aabot sa 500 milyong piraso ng P1,000 polymer banknotes na nagkakahalaga ng P500 billion ang iikot sa pagitan ng 2022 hanggang 2025 batay sa naunang pahayag ng BSP.

Maaalalang, inaprubahan ng Office of the President at Monetary Board ang paglabas ng 1000-piso polymer banknote.

Ang bagong 1000-Piso polymer banknote ay waterproof at maaaring i-sanitize at sagot sa problema sa pamemeke ng pera.