Aklan News
DENR, IMINUNGKAHI ANG PAGKAKAROON NG INTEGRATED QR CODE SYSTEM SA BORACAY
IMINUNGKAHI Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagkakaroon ng Integrated QR Code System upang maiwasan ang labis na bilang ng mga turistang bumibisita sa isla ng Boracay.
Ito ay matapos hindi nasunod ang carrying capacity ng mga turista noong Holy Week kung saan umabot sa 21,011 noong April 14 at 22,278 noong April 15.
Ang itinakdang carrying capacity ng isla ay hindi dapat lalampas sa 20,000 turista sa loob ng isang araw.
Kaugnay nito, hinimok rin ng DENR ang Department of Tourism (DOT), Department of the Interior and Local Government (DILG), Aklan Provincial Government at LGU Malay na magkaroon ng real-time monitoring system upang malaman ang eksaktong bilang ng mga turista na mabibigyan ng QR code sa partikular na petsa.