Aklan News
ITINUTURONG BODYGUARD NI BATAN VICE-MAYORALTY CANDIDATE RIKRIK RODRIQUEZ, TAUHAN UMANO NG PAMILYA RAMOS?


INIHAYAG sa Radyo Todo ni Batan Vice-Mayoralty Candidate at kasalukuyang Cabugao Brgy. captain at ABC President Rizal “Rikrik” Rodriguez Jr. na tauhan umano ng pamilya Ramos mula pa noon ang sinasabing kanyang bodyguard na si John Felizardo alyas “urok”.
Nadawit ang pangalan ni Rodriguez dahil sa insidenteng nangyari sa kanyang compound sa So. Iwisan, Brgy. Cabugao, Batan kung saan sinasabing binantaan at binunutan ng baril ni alyas urok ang buong tiket ni Mayoralty Candidate Michael Ramos habang nangangampanya.
Ayon pa kay Rodriguez, wala siya sa kanilang bahay ng mangyari ang insidente at sa kanyang pagkaka-alam, nandoon lang si alyas urok upang mag-solicit sa kanya.
Giit pa ng punong barangay, hindi niya kailangan ng isang bodyguard dahil wala naman itong pinapangambahan sa kanyang buhay mula pa noon.
Nagtataka lamang aniya siya dahil ang sinasabing bodyguard niya ay matagal nang tauhan ng pamilya Ramos sa loob ng mahigit 11 years.
“Nga ro tawo ngara nga andang ginapabangdan hay nag-adto iya ag nagasolicit. Hay ro anda ngara nga ginapangdan nga tawo hay tawo ra ni Ramos for 11 years”
Samantala, dismayado naman si Rodriguez dahil pinasok aniya ng grupo nila Ramos ang kanyang private property kung saan wala itong respetong naglagay ng kanilang mga campaign poster.
Dapat ayon kay kap Rikrik na nagpasabi muna sila gayundin na nagbigay ng respeto sa kaniya kahit sila’y mangkatunggali sa nalalapit na halalan.
Kaugnay nito, mas makabubuti nalang ayon kay Rodriguez na i-akyat na lamang ito ng kampo ni Ramos sa korte nang sa gayo’y makasagot ng akma ang mga taong idinadawit nila.