Aklan News
2022 NATIONAL AND LOCAL ELECTIONS SA AKLAN, GENERALLY PEACEFUL – AKLAN PPO
Generally peaceful ang isinagawang 2022 National and Local Elections sa lalawigan ng Aklan.
Ito ang pahayag ni P/Major Willian Aguirre Asst. Chief ng Aklan Police Provincial Office APPO – Provincial Intelligence Unit, sa panayam ng Radyo Todo.
Aniya, naging matagumpay ang kanilang inilatag na security measures para sa katatapos lamang na halalan dahil walang nairekord na kahit anong untoward incidents at zero related election incidents ang buong lalawigan ng Aklan.
“Nagakalipay man kami nga gapaabot kinyo nga naging successful man ro paglunsar ku aton nga National and Local Elections 2022. Ag owa man ngani kita it untoward incidents or election violence ag ma-consider naton nga overall, generally peaceful”, ani P/Major Aguirre.
Ayon pa kay Aguirre, sinampahan na nila ng kaso sa korte ang 25 lumabag sa gun ban at 6 na violators ng liquor ban.
Sa pamamagitan din aniya ng pagtutulungan ng mga kapulisan, komunidad at ng iba pang law enforcement agencies ay naging maayos, matiwasay at malinis ang resulta ng halalan.
Mahigit 1,000 PNP personnel ang augmentation force mula sa 17 municipal police station sa Aklan ang ideneploy upang maiwasan ang anumang kriminalidad at bayolasyon sa Comelec Rules and Regulations at magbigay ng serbisyo at seguridad sa iba’t-ibang polling places nitong election.
Samantala, mananatili pa rin sa high alert ang pulisya hanggang matapos ang election period upang maiwasan ang anumang tension lalo na sa mga natalong kandidato.