Aklan News
DATING PRESO, BALIK-KULUNGAN MATAPOS MULING MAHULIHAN NG SHABU
Balik-kulungan ang isang indibidwal na dati nang nakulong sa droga makaraang muling mahulihan ng shabu sa bayan ng Kalibo nitong Miyerkules, May 11, 2022.
Kinilala ang naarestong si Joel Merin Tan, nasa legal na edad, residente ng Brgy. Pook ng nabanggit na bayan.
Sinuyod ng pinagsanib na puwersa ng Kalibo MPS Drug Enforcement Team, Aklan PPO-PDEU, PDEA Aklan at RIU6 ang bahay ng suspek sa pamamagitan ng Search Warrant No. EJ-03-22, na inisyu ng RTC 6, na pirmado ni Hon. Buenvenido P Barrios, Executive Judge nitong Mayo 5, 2022.
Sampung sachet ng shabu ang narekober ng mga otoridad sa pamamahay ni Tan.
Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang muling kakaharapin ng suspek.
Napag-alaman na dati nang nabuy bust si Tan noong 2016.