Connect with us

Aklan News

SB PAGSUGUIRON: “BORACAY ISLAND, ITINUTURING NG E-TRIKE CAPITAL NG BANSA”

Published

on

Itinuturing ngayon na e-trike capital ng Pilipinas ang Boracay Island.

Ito ay dahil sa e-trike na ang ginagamit na transportasyon sa isla ng mga turista maging ng mga residente.

Ayon kay Malay Sangguniang Bayan Member Dante Pagsuguiron sa panayam ng Radyo Todo, naging maganda aniya ang feedback at pagtanggap sa sistema ng paggamit ng e-trike sa isla.

Aniya pa, sa pamamagitan nito ay nabigyang solusyon ang 60 porsyenteng environmental issues ng Boracay.

Saad pa nito na phase-out na ang mga tricycle sa isla kung saan nasagot na rin ang problema sa usok at ingay.

Sa pamamagitan din nito ay mai-enjoy na ng mga turistang nagbabakasyon ang tahimik na isla na malayo sa ingay ng mga sasakyan at polusyon.

Pahayag pa ni SB Pagsuguiron, magiging modelo ng bansa ang isla ng Boracay kung saan maaaring ang ibang tourist destination ay magkaroon din ng ganitong sistema ng transportasyon.

Samantala, ipinasiguro naman ng opisyal na patuloy ang kanilang komunikasyon sa kanilang anim na supplier ng e-trike upang mapanatili ang magandang sistema ng transportasyon sa isla.