Connect with us

Aklan News

MOTORSIKLO AT BISEKLETA, ‘INARARO’ NG KOTSE, 1 PATAY

Published

on

Isa ang patay habang 3 pa ang sugatan matapos ‘araruhin’ ng kotse ang isang motorsiklo at bisekleta sa pasado alas 5:00 kahapon ng umaga sa Pook, Kalibo.

Nakilala ang mga biktimang nakamotorsiklo na unang binangga ng kotse na sina Genebert Redo, 48 anyos, driver ng motorsiklo, at anak nitong si Sheila Mae Redo, 20 anyos, at pamangkin nitong si Jezabel Francisco, 19 anyos, lahat residente ng Cawayan, New Washington na kanyang mga angkas, habang nakilala naman ang nagbibisekletang biktima na si Robert Maigue, 59 anyos ng Caano, Kalibo.

Sa report ng Kalibo PNP, naaresto naman ang driver ng kotse na si Rodney Hinolan, 40 anyos ng Poblacion, Kalibo.

Base sa imbestigasyon ng pulis, papunta sana ng Poblacion, Kalibo ang motorsiklo nang banggain umano ng kotse na nauna na umanong nakita ng mga biktima na pagewang-gewang ang takbo.

Resulta, sumemplang sa kalsada ang motorsiklo, rason ng mga sugat nila sa katawan. Sa halip na huminto, sinasabing tumakas umano ang driver ng kotse papuntang New Washington, subali’t nabangga naman sa Caano, Kalibo ang nagbibisekletang si Robert Maigue.

Sa lakas ng pagkakabangga, nagtamo ng malubhang pinsala si Maigue, hindi na ito umabot ng buhay sa ospital. Samantala, muli umanong tinakasan ni Hinolan ang nabanggang biktima, subali’t kaagad naman itong naaresto ng mga pulis sa bahagi ng Mabilo, Kalibo.

Pansamantala siyang ikonostodiya ng Kalibo PNP Station, habang nabatid na nauwi na lamang umano sa areglo ang nasabing insidente.