Connect with us

International News

Lalaking puno ng tattoo, itim na tinta ang ibinabahing

Published

on

Puno ng tattoo ang buong katawan ng Amerikanong si Matt Gone, kung saan kasama sa mga tattoo niya ang 848 black squares na naglagay sa kaniya sa Guinness World Record.

Ang bilang na ito ay kinumpirma ng dalawang doktor na nagbilang ng mga black square na tattoo ni Gone.

Nang tanungin kung anong bahagi ng katawan ang pinakamasakit paglagyan ng tattoo, ito ang naging tugon ni Gone, “The nose. That is the most painful, even the baby toes, the nail beds hurt a lot.”

Salaysay ni Gone, itim na tinta ang ibinabahing niya sa loob 20 minuto matapos magpa-tattoo sa kaniyang ilong.

Ang unang beses na nagpa-tattoo ni Gone ay taong 1985. Sa ngayon, halos may tattoo na ang 95% ng buong katawan niya kabilang na ang dila at mata.

Continue Reading