International News
Glass-bottomed bridge sa Vietnam, pasok sa Guinness World Records
Idineklara ng Guinness World Record ang Bach Long Bridge sa Vietnam na siyang pinakamahabang glass-bottomed bridge sa buong mundo.
Matatagpuan sa Son La province sa northwestern Vietnam tulay na ito na unang binuksan sa publiko noong Abril.
Sa taas nitong 150 metro at haba na halos 632 metro, mai-enjoy talagang mga turista ang kamangha manghang rainforest sa baba.
Natapos ang glass bridge dahil sa pakikipagtulungan ng local tourism authorities at isang French construction company. Layon ng proyekto na mapasiglang muli ang turismo sa Vietnam na lubhang naapektuhan ng pandemya.
Sinasabing matibay ang tulay na ito at mananatiling nakatayo kahit daanan ng 450 katao nang sabay-sabay.
Upang mapatunayang matatag ang glass-bottomed bridge, pinadaanan ito ng isang SUV.
Kamakailan lang ay idineklara ng Guinness World Records ang Bach Long bridge bilang pinakamahabang glass-bottomed bridge sa buong mundo.
Binasag nito ang dating record na 526 metro na dating hinahawakan ng isang tulay sa Guangdong, China.
Ang Bach Long ang ikatlong glass-bottomed bridge na itinayo sa Vietnam.