Aklan News
DILG-Aklan ipinaliwanag kung sino ang mauupo sa vacant position ng Sangguniang Bayan ng Makato


Ipinaliwanag ni Department of Interior and Local Government (DILG) Aklan director Engr. Carmelo Orbista kung sino ang uupo bilang miyembro ng konseho sa bayan ng Makato.
Ito ay dahil ang number 1 Sangguniang Bayan member na si Leoncito Mationg ay aakyat at uupo bilang bise-alkalde para punan ang nabakanteng posisyon ng yumaong si Mayor Abencio Torres.
Dahil dito ay mababakante ang ika-walong puwesto sa Sangguniang Bayan dahil aakyat ng pwesto ang mga miyembro ng konseho batay sa tinatawag na rule of succession.
Sa panayam ng Radyo Todo kay Orbista, nilinaw nito ang nabakanteng posisyon ay ang posisyon ni SB member Mationg kung kaya’t ang dapat na uupo sa ika-walong pwesto ng konseho ay magmumula sa kaniyang partido.
Giit pa ni Director Orbista, ito ay permanent position kung kaya’t kailangang i-apply kung ano man ang nakasaad sa Local Government Code.
Samantala, ang appointment ng uupong SB member sa ika-8 posisyon ay pipirmahan naman ng gobernador ng Aklan.