Connect with us

Environment

Pagong na nawalan ng palikpik dahil sa pating, na-rescue sa Miami

Published

on

Larawan mula kay Ron Magill

TINGNAN:  Nagpapagaling ngayon sa Sea Turtle Hospital ng isang zoo sa Miami ang isang loggerhead turtle na nawalan ng palikpik dahil  sa pating

Ayon kay Ron Magill, communications director ng zoo, natagpuan ang sugatang pagong malapit sa Port St. Lucie power plant.

Nang makita ng mga rescuers na naputol ang kaliwang palikpik nito matapos atakihin ng pating, dinala nila ang pagong sa nabanggit na zoo.

Pinangalanan ang pagong na Baymax.  50 taong gulang na ito at may bigat na 176 kilo.

Napagalaman sa resulta ng isinagawang ultrasound si Baymax ay buntis. Marami rin  umano itong mga peklat sa kanyang bahay, tanda na nabangga siya noon ng Bangka at nakagat ng pating.

Agad nilapatan ng pangunang lunas si Baymax.  Pinakain din siya at binigyan ng vitamins.  Pagkatapos ay inilagay ang pagong sa isang lalagyang puno ng buhangin.

Nang mailabas na ni Baymax ang kanang mga itlog,isinailalim naman siya sa operasyon upang gamutin ang kanyang shark injury.

Nagtagal ng 7 oras na operasyon kung saan nilinis at ginamot ang kanyang mga sugat.

Inilabas din ang natitira pa niyang mga itlog, na dinala naman sa Miami-Dade Parks Sea Turtle Conservation Program upang ma-incubate sa isang man-made nest.

Bagamat hindi bihira para sa mga sea turtle na maputulan ng palikpik dahil sa pating o sa mga Bangka, marami rin naman ang mga nakakarecover at nabubuhay nang matagal.

Ayon sa mga otoridad, babantayan nila sa Baymax hanggang sa gumaling ito ng tuloyan at maibalik sa dagat.

Continue Reading