Connect with us

Lifestyles & Hobbies

Pagsusuot ng sunglasses, makatutulong sa eye health ng mga alagang aso

Published

on

Makakatulong umano sa mga asong mahilig lumabas ng bahay ang pagsusuot ng sunglasses.

Ayon sa Eastcott Veterinary Hospital sa UK, ang pagpapasuot ng mga visors o goggles sa mga alagang aso ay makatutulong upang maprotektahan ang mga “very active dogs” o yung mga may medical conditions tulad ni alaga ni Miluse Vojtiskova.

Madaling masilaw ang 14 taong gulang na  poodle ni Vojtiskova na si Celine.

Ayon sa mga espesyalista sa Eastcott Veterinary Hospital, mayroong iris atrophy si Celine dulot ng katandaan.  Dahil dito, hindi na nahihila pasara ng kanyang mga iris muscle ang pupil ni Celine.

“When it’s very bright she struggles and it hurts her,” ani Ida Gilbert, Head of Ophthalmology sa Eastcott Referrals.

“That shocked me because I had no idea she was in pain,” reaksyon ni Vojtiskova sa narinig.

Ani Vojtiskova, una niyang napansin na may problema si Celine nang isang araw ay tumakbo ito sa harap ng umaandar na sasakyan na parang walang nakita.

“She began to become jumpy in the sunshine,” dagdag pa ni Vojtiskova.

Sa ngayon ang sinusutan na si Celine ng sunglasses kapag lumalabas ng bahay.

Ayon kay Vojtiskova, alam ng kanyang alaga na epektibo ang goggles

“If it is a sunny day she will hide or just freeze.

Samantala, sinabi naman Gilbert na dahil sa sunglasses, hindi na kailangang operahan pa si Celine. “Essentially, cutting out UV light and the brightness has made her able to then resume her normal life.”

Ayon sa vet, ang eye protection para sa mga hayop ay “absolutely appropriate in many different settings.”

“Some dogs out there could benefit from being on them. It could even reduce the amount of medication they would require,” ani Gilbert.

Halimbawa umano ay ang Pannus , isang inflammatory condition ng mga German Shepherd.   Nagiging malala umano ang Pannus dahil sa exposure sa UV light.

Payo pa ni Gilbert, makatutuong umano sa mga “active dogs”, tulad ng mga nagpa-paddle-boarding, cycling, o tumatakbo sa labas, ang pagsusuot ng sunglasses..

Masaya umano si Vojtiskova dahil ibinalik ng goggles ang “normal quality of life” ni Celine.

“She can walk outside now and she can do she did before,” ani Vojtiskova.

Continue Reading