Connect with us

Aklan News

Lasing na nanuntok sa inuman, ginantihan ng saksak

Published

on

Kalibo – Sinaksak sa magkabilang kili-kili ang isang lasing na nanuntok umano ng kainuman bandang alas 4:45 kaninang hapon sa Sitio Ibog, Old Buswang, Kalibo.

Nakilala ang biktimang si Reylon Kirt Dangcalan, 31 anyos ng Bachao Sur, Kalibo, habang arestado naman ang suspek na si Jose Rene Irenea, 54 anyos at residente ng nabanggit na lugar.

Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, magkasamang nag-iinuman ang biktima at suspek nang magtalo umano ang mga ito dahil sa dati na rin umano nilang alitan.

Sa gitna ng pagtatalo ay inambahang susuntukin umano ni Dangcalan si Irenea subalit nakailag naman ang huli.

Agad namang kinuha ni Irenea ang patalim ng isa sa kanilang kainuman at sinaksak sa magkabilang kili-kili ang biktima.

Kaagad na dinala sa ospital si Dangcalan at inaresto naman ang suspek na kasalukuyang nasa kustodiya na ng Kalibo PNP Station para sa karampatang disposisyon.

Samantala, sa panayam ng Radyo Todo sa suspek (PANOORIN: Panayam ng Radyo TODO sa suspek sa pananaksak ) iginiit nito na basta lamang dumating sa kanilang grupo ang biktima at bigla na lamang umano siya nitong sinuntok.

Aminado rin ang suspek na sinaksak niya ang biktima nang makahagilap umano ito ng patalim.

Ayon pa sa suspek, nakahanda rin umano siyang harapin ang kasong isasampa laban sa kanya ng biktima.

Bamaga’t nagpaabot ito ng paghingi ng tawad, iginiit ni Irenea na wala umano silang dating alitan ng biktima at magkaibigan din umano ang mga ito.

 

 

Continue Reading