Connect with us

National News

Sweden Ambassador to the Philippines Annika Thunborg, nakipagpulong kay President-elect Marcos

Published

on

Larawan mula sa Daily Tribune

Nakipagpulong si Sweden Ambassador to the Philippines Annika Thunborg kay President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong umaga, Hunyo 10.

Maliban kay Thunborg ay nag-courtesy call din kay Marcos ngayong araw sina United Nations (UN) Representative to the Philippines Ambassador Gustavo Gonzales, Ambassador Charles Brown of the Holy See, Ambassador William Carlos of Ireland, at Ambassador Alain Gaschen of Swiss Confederation.

Kabilang sa mga napag-usapan ni President-elect Marcos at Ambassador Thunborg ay ang kahalagahan ng karapatang pantao, alituntunin ng batas, at ang laban kontra droga.

“The very strong commitment to continue the war on drugs within the framework of the law and with respect for human rights and focus on rehabilitation and socio-economic development was expressed,” pagbabahagi ni Thunborg.

Ipinagdiriwang ngayong taon ang ika-75 taong anibersaryo ng Sweden-Philippines bilateral relations. Matatandaang nito lamang 2016 ay muling binuksan ng Sweden ang kanilang embahada sa bansa matapos magsara noong 2008. | Glesi Lyn Sinag

Continue Reading