Travel
Japan, bukas na sa mga Filipino Tourists
Maaari nang bumisita sa Japan ang mga turistang Pilipino na magbu-book ng travel sa mga accredited na Japan-based tour operator.
Nagsimulang luwagan ang entry protocol sa Japan nitong Biyernes at ayon sa Kyodo News Agency, kabilang sa “blue list” ang 98 na bansa tulad ng Pilipinas, United States, Britain, China, South Korea, Indonesia, at Thailand.
“Yes (Filipinos can come) but it is not yet fully opened. It’s just for participants of a package organized by an agent in Japan,”ani Counselor Hideki Makino ng Japanese Embassy sa Maynila.
Ayon pa sa embahada, ang mga Japanese tour operators ang magpu-proseso ng travel application ng mga turista. Kapag na-finalize na ang guided tour, maaari na silang mag- apply ng visa sa tulong ng isang travel agent.
Sinabi rin ng embahada na exempted sa quarantine ang mga fully vaccinated na bisita ngunit kailangan nilang magpakita ng negative reverse transcription-polymerase chain reaction test result na kinuha 72 oras bago ang kanilang departure