Aklan News
38 motorista, huli sa anti-colorum Ops sa Boracay
Huli sa checkpoint ang nasa 38 motorista sa ikinasang Anti-colorum Ops sa isla ng Boracay.
Nahuli ang mga ito sa pangunguna ni PLTCOL Don Dicksie de Dios, Chief of Police ng Malay PNP katuwang ang Municipal Transportation Regulatory Officers at Malay Auxiliary Police.
Walang rehistro ang mga nahuling motor, samantala tatlong topdown drivers pa ang nahuli sa paglabag sa Article 18 ng Municipal Traffic Code ‘Special Permit to Transport Vehicles to Boracay Island’.
Ani de Dios, “A total of 38 motorcycles and 3 topdown po ang nahuli. The provision of Special Permit to Transport Vehicles put these informal transport under the category of colorum services.”
Pagmumultahin ang nahuling motorista sa ilalim ng article 18 ng Municipal Traffic Code.