International News
Nawawalang 3-taong gulang na bata sa Montana, natagpuan sa isang cabin makalipas ang 2 araw
Ligtas na naiuwi sa kaniyang mga magulang ang 3-taong gulang na batang lalaki, 2-araw matapos itong maiulat na nawawala mula sa kanilang bakuran.
Bandang 4:53 ng hapon, Hunyo 3, 2022 nang makatanggap ang Lincoln County Sheriff’s Office ng tawag mula sa isang nagmalasakit na kapitbahay ng bata.
Agad namang nagtulong-tulong ang grupo ng mga ground searchers, drones, dog teams, at dalawang National Guard helicopters sa paghahanap sa bata.
Ang bata na kinilalang si Ryker Webb ng Troy, Montana ay natagpuan ng isang pamilya sa loob ng pag-aari nilang cabin.
Bibisita lamang sana ang pamilya sa kanilang cabin para i-check ang generator nang makarinig sila ng iyak. Nang siyasatin nila ito, nakita nila ang takot na takot na si Ryker.
Napag-alamang naglipana ang mga oso at tigre sa lugar kung saan naroon ang cabin kaya’t maswerteng nakaligtas ang bata.
Maliban dito, bumagsak din umano ang temperatura sa nasabing lugar at nakabibilib na naisip ni Ryker na magtago sa lawn mower bag upang hindi siya ginawin.
Gutom, uhaw, at bakas ang takot sa mukha ng bata subalit agad namang napawi ang pagkatakot nito ng sabihin sa kaniyang ihahatid na siya sa kaniyang mga magulang.
Sa inisyal na imbestigasyon, naglalaro umano ang bata sa kanilang bakuran ng maglakad-lakad ito. Hindi napansin ni Ryker na malayo na ang naabot niya hanggang makaramdam ito ng pagod.
Halos 2 milya ang layo ng cabin mula sa tahanan nina Ryker.
Ayon kay Lincoln County Sheriff Darren Short, patuloy pa rin ang masusimg imbestigasyon kung bakit naiwang mag-isa ang bata. Inaalam rin kung bakit inabot pa ng 2 oras bago i-report ng mga magulang ni Ryker na nawawala siya.