Connect with us

International News

Pasahero, naiwan sa loob ng eroplano; Gatwick Airport, humingi ng dispensa rito

Published

on

Humingi ng dispensa ang pamunuan ng Gatwick Airport sa pasahero nitong naiwan ng halos isa’t kalahating oras sa loob ng eroplano matapos itong lumapag sa UK.

Ang pasahero na kinilalang si Victoria Brignell ay napag-alamang isang quadriplegic.

Ayon kay Brignell, nauna na siyang inabisuhan na maaaring abutin pa ng halos isang oras bago siya matulungang makababa ng eroplano. Hindi umano niya inakalang 90 minuto ang magiging paghihintay niya.

Salaysay ni Brignell, “I booked the help three months in advance, it wasn’t as if I just turned up.” Alam umano ng pamunuan ng airport ang araw ng pagdating niya, lalo pa at inabisuhan niya ang mga ito upang ipaalala sa kanila kung kailan siya darating.

Dagdag pa niya, “I can’t use my arms or legs. To get off a plane I need two people to lift me from the airplane seat into an aisle chair, which is a specially-designed narrow wheelchair to push me along the aisle off the plane, and lift me into my wheelchair waiting outside.”

“My wheelchair arrived promptly, but the people who were supposed to help me get off the plane didn’t turn up – they were busy elsewhere,” ani Brignell.

Wala umano siyang naging problema sa pamunuan ng British Airways. Humingi umano ito ng paumanhin sa kaniya. Dinalhan din siya ng maiinom habang naghihintay.

Continue Reading