Regional News
Wanted sa kasong Murder at Attempted Murder sa Palawan, naaresto ng Altavas PNP sa Iloilo


Altavas – Inaresto ng Altavas PNP alas 10:30 kaninang umaga sa Ajuy, Iloilo ang isang lalaki na wanted sa kasong murder at attempted murder sa Palawan.
Nakilala ang akusadong si Alex Crispino, 36 anyos ng Sitio Tubugan, Ajuy, Iloilo.
Isinilbi ng Altavas PNP ang kanyang warrant of arrest sa kasong murder na may Criminal Case No.34507 at pirmado ni Hon.Leah Delos Reyes-Baguyo, Presiding Judge, RTC Palawan noon pang Pebrero 24, 2017.
Walang piyansang inirekomenda para sa kanyang kaso.
Samantala, nabatid na may kaso rin pala itong Attempted Murder na may Criminal Case No.33919 na nilagdaan naman ni Judge Ramon Chito Mendoza ng Branch 165, Brooks Point, Palawan, noon pang October 4, 2019.
Inurekomenda ng korte ang Php 120,000 na piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Pansamantala naman siyang isinailalim sa kustodiya ng Altavas PNP para sa karampatang disposisyon.