Connect with us

Health

Apat na taong gulang na lalaki, aksidenteng nagawan ng vasectomy sa Texas

Published

on

Planong sampahan ng kaso ng isang pamilya sa Texas ang isang doktor matapos mapasailalim sa isang “unintended vasectomy” ang kanilang apat na taong gulang na lalaki ” habang inooperahan.

Nakatakda umanong sumailalim ang bata sa isang operasyon dahil sa hernia o luslos nang maganap ang insidente.

Ayon sa personal injury attorney ng pamilya na si Randy Sorrels, ang operasyon ay ginawa malapit sa singit ng bata subalit nagupit umano ng doktor ang “wrong piece of anatomy.”

“The surgeon, we think, cut accidentally the vas deferens, one of the tubes that carries reproductive semen in it. It could affect this young man for the rest of his life,” ani Sorrels.

Wala naman umanong rekord ng malpractice o anumang isyu ang doktor, at ang insidente ay isang hindi pangkaraniwang pangyayari.

“You expect things to happen in life, but not unnecessarily at the hands of a surgeon, who simply cut the wrong piece of anatomy,” dagdag pa ni Sorrels.

Nagkulang umano ang doktor sa pagtitiyak kung tama ba ang kanyang pinuputol.

“It’s not a common mistake at all. Before a doctor transects or cuts any part of the anatomy, they are supposed to positively identify what that anatomy is and then cut. Here, the doctor failed to accurately identify the anatomy that needed to be cut. Unfortunately, cut his vas deferens. That wasn’t found out until it was sent in for pathology”.

Continue Reading