Aklan News
Pamilya ng na hit-and-run sa Batan, sumisigaw ng hustisya
HUSTISYA ang patuloy na sigaw ng pamilya ni Ramel Vidal, 41 anyos ng Lalab, Batan na nasawi makaraang ma hit-and-run nitong Hunyo 4, araw ng Sabado.
Ayon sa ulat, naglalakad sa kalsada ang biktimang mula sa isang lamay nang araruhin ng isang sasakyan na papunta sa direksyon ng Iloilo.
Nakaladkad ang biktima ng halos 20 metro na naging dahilan ng kanyang pagkasawi.
Sa panayam ng Radyo Todo, sinabi ni Mitz Vidal Hilario, tiyahin ng biktima, na may isang pasahero ng taxi na nagkataong dumaan sa pinangyarihan ng aksidente.
Nakita nito ang isang pick-up na nakatigil malapit sa lugar at napansin na bahagyang nakabukas ang driver’s seat ng saksakyan.
Pinaghahanap nila ngayon ang may-ari ng pick-up na posible raw na makapagturo kung sino ang nakasagasa sa kanyang pamangkin.
Ayon pa sa sa tiyahin ng biktima, dismayado sila sa napakabagal na takbo ng imbestigasyon ng pulisya.
Hiling nila sa Batan PNP na mas paigtingin pa ang imbestigasyon sa pagkamatay ng ni Vidal.
Panawagin rin niya sa salarin na lumantad na dahil wala naman silang balak na ipakulong o hingan ito ng danyos bagkus ay gusto lang nila itong makausap tungkol sa ginawa nito sa kanyang pamangkin.
Aniya, “Kung sino man ro nakadisgrasya sa akon ngaron nga gumankon kay Ramel Vidal. Nagahinyo gid kunta kami nga sumuko ka na o lumantad ka na. Kasi owa kami gid nagaeagas nga ipakulong ka namon o humantong pa kita sa demandahan o magdemand kami it danyos. Kun mag come out ka, magpaepait ka kamon istoryahan ka namon it maayos, indi kami magtabing kimo, makipag-istorya ka eang it maayos.”