Connect with us

International News

Babae sa Brazil, nakuryente sa washing machine, patay

Published

on

📷: S Chronicles

Nasawi ang isang 20-taong gulang na ina matapos itong makuryente habang kinukuha ang mga nilabhang damit sa washing machine.

Kinilala ang biktimang si Viviane Rodrigues ng Juazeiro, Brazil, may-asawa at 9 na buwang gulang na anak.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, inakala umano ni Rodriguez na tapos na ang kaniyang labada kung kaya’t ipinasok niya ang kamay sa washing machine upang kunin sana ang mga damit dito.

Ito ang naging dahilan ng pagkakakuryente ng biktima. Nakuha pa umanong itakbo ng kaniyang asawa si Rodrigues subalit idineklara na itong dead-on-arrival.

Matapos sumailalim sa autopsy ay agad ding dinala ang mga labi ng biktima sa kanilang bayan kung nasaan naroon ang kaniyang pamilya.

Continue Reading