Connect with us

Sports

Ilang SEAG tikets, mabibili na sa halaganag Php50

Published

on

ABOT-KAYANG SEA GAMES TIKET. Makakabili na kayo ng tiket sa iba’t ibang sports events ng Ika-30 SEA Games sa halagang Php50. Magsisimula ang pagbebenta ngayong araw, Oktubre 3.

Sa halagang Php50, mabibili na ang SEAG tikets upang mapapanood ang ‘world-class digital opening ceremony’ ng 30th Southeast Asian Games.

Inanunsyo sa official Facebook page ng SEAG na ang mga tiket para sa SEAG opening sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan ay mabibili sa halagang mula Php 1000 hanggang Php 1500.

Abot kaya din ang mga tiket ng mga aquatic events sa New Clark City sa Capas, Tarlac na mabibiili naman sa halagang Php50 hanggang Php 300.

Para naman sa mga sports events sa Metro Manila, nagkakahalaga ang mga ito ng Php50 hanggang Php250.  Sa NCR gaganapin ang mga events tulad ng badminton, basketball, billiards, boxing, karatedo, fencing, football, gymnastics at wushu

Nagkakahalaga naman ng Php 50 haanggang Php 100 ang mga tiket sa sports na volleyball, table tennis at beach handball na gaganaapin sa Subic.

Nangako si Ramon Suzara, Chief Operating Officer ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee, na magiging “Asian Games level of presentation” ang masasaksihan ng mga manonood sa ika-30 na paglunsad ng regional games.

Ang mga kinatawang sa 56 sports events ng 11 member-nations ng ASEAN ay magtatagisan ng galing mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11

Ang mga tiket para sa opening ceremony na gaganapin sa Nobyembre 30 ay mabibili na simula ngayong araw, Oktubre 3 sa SMTickets.com at sa lahat ng SM ticket outlets. 

Featured Photo edit by Trainee Jerika Sucgang