Connect with us

Aklan News

Commissioner na dati nang nakulong sa droga, muling na buy bust sa Boracay

Published

on

Balik-selda ang isang lalaking dati ng nakulong dahil sa droga makaraang muling ma buy-bust ngayong umaga sa Sitio Cabanbanan, Manocmanoc, Boracay.

Humagulgol sa iyak ang suspek na si Edric Maghari, 36, isang commissioner na tubong Siquijor nang arestuhin ng mga otoridad.

Dalawang sachet ng pinaniniwalaang shabu ang nakuha mula sa suspek kapalit ng P1000 na buy bust money.

Minanmanan ng mga kapulisan ang suspek na maituturing umanong high value target sa loob ng dalawang buwan.

Sa eksklusibong panayam ng Radyo Todo kay Maghari, inamin nito na taong 2014 nang una siyang mahuli dahil sa droga at kakalabas lang nito ng kulungan taong 2018.

Pero depensa ng suspek, hindi sa kanya ang mga narekober na droga sa buy bust at hindi na siya bumalik sa dating gawain.

Giit niya, marami ang naiinggit sa kanya dahil maraming siyang mga bisita sa pagiging commissioner at marahil ginamit lang nila ang kanyang pangalan sa pakikipagtransaksyon.

“Siguro sa akin sa baybay sir kasi palagi akong may bisita, baka binenta yung pangalan ko dun o pangalan ko ‘yung dinala nila,” saad ng suspek.